𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗔𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog sa buy bust operation ng mga awtoridad ang isang trenta y kwatro anyos na binata sa bayan ng Aguilar.

Ang suspek ay nakilalang si Nelson Umayam residente ng Barangay Laoag sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng gabi sa nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .17 grams at nagkakahalaga ng mahigit Isang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments