Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang dese nuwebe anyos na binata matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Binalonan.
Ang suspek ay nakilalang si J.M. Managan residente ng Urdaneta City at pansamantalang nanunuluyan sa nasabing bayan.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas diyes ng gabi sa Barangay Sumabnit na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang isang gramo at nagkakahalaga ng ₱6, 800.
Ang nasabing suspek ay isa ring street level individual sa usapin ng illegal drugs sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments