𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Personal na isinangguni ng 65 anyos na ginang sa awtoridad ang pagkakawala umano ng kanyang apo.

Ilang araw na umano ang nakalipas mula ng umalis ito sa bahay nila sa Brgy. Dulag, Lingayen ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito umuuwi.

Umalis umano ito ng bahay nang walang paalam kaya hindi alam ang kondisyon nito na labis na pinag-aalala ng ginang. Pagbabahagi niya, nakatira umano ang binata sa Brgy. Caloocan Norte, Binmaley kasama ang ama nito ngunit umalis doon para magtago sa kanyang puder. Apat na raw pa lamang nakikituloy sa kanya ang binata.

Umapela ang ginang sa publiko at sa lahat ng awtoridad sa posibleng makakita sa kanyang apo na si Jan Quiel Cervantes. Base sa paglalarawan, nasa 4’9″ hanggang 5 ft ang tangkad ng biktima, kayumanggi ang balat at balingkinitan ang katawan.

Nananawagan din ang awtoridad sa mga kalapit na himpilan ng kapulisan ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments