𝗕𝗢𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗡𝗟𝗢𝗖 𝗕𝗔𝗬𝗪𝗔𝗟𝗞, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗞 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Matinding pinsala sa usaping pang-imprastraktura ang iniwan ni Bagyong Kristine sa Bonuan Binloc Baywalk, Dagupan City.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bonuan Binloc Barangay Captain Wilmer Castanares, kinumpirma nito ang idinulot na pinsala ng nagdaang bagyo sa baywalk ng barangay.

Kasalukuyang isinara ang kahabaan ng baywalk mula BFAR hanggang Bagong Baryo at nagpapatuloy pa ang pag-alam sa kabuuang danyos sa nasabing imprastraktura.

Nakapagtala rin ng pagbaha sa ilang bahagi ng Korea, China, at America dahilan ang storm surge na naranasan sa kasagsagan ng bagyo habang mayroon ding mangilan-ngilan lamang na bahagyang may pagkasira sa kabahayan.

Samantala, ang bahagi ng Bonuan Binloc Baywalk ay patuloy nang dinadagsa ng mga bisita dahil sa taglay nitong kagandahan.

Inaasahan ng mga residente na maipaayos na muli ang nasirang baywalk. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments