𝗕𝗥𝗘𝗔𝗦𝗧 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Inihayag ng Region 1 Medical Center o R1MC na ang breast cancer ang nangungunang klase ng cancer sa lalawigan ng Pangasinan na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kababaihan sa probinsya.

Ayon kay.Dr. Lazarus Rafanan, pangunahing sintomas ng breast cancer ay ang pagkakaroon ng kulani, pagbabago ng hugis o sukat ng suso, pamumula, pangangati ng balat, at iba pa.

Maaring umanong magamot ang cancer sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy, at radiation.

Dahil dito hinikayat ng doctor na gumawa ng self-examination at mammogram upang masuri kung may pagbabago sa kanilang katawan at kung mayroong breast cancer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments