Wednesday, January 28, 2026

𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗟𝗨𝗖𝗜𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟

Cauayan City – Nanindigan ang pamunuan ng Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela kaugnay sa pagsuporta sa mga operasyon kontra sa ilegal na pagsusugal.

Sa panayam ng IFM News Team kay Darwin Tolentino, mariin nilang kinokondena ang anumang ilegal at maling gawin ng kanilang mga ka barangay.

Sinabi nito na hindi umano sila nag kulang ng paalala sa mga residente na itigil na ang ganitong uri ng aktibidad lalo pa’t talagang labag umano ito sa batas.

Aniya, naninindigan ang kanilang pamunuan na kahit pa maliit na halaga lamang ang itinataya, sugal pa ring maituturing ang ganitong aktibidad at mayroong nilalabag na batas.

Dagdag pa ng kapitan, tama lamang ang ginawa ng nagsumbong sa kinauukulan sapagka’t magsisilbi itong leksyon sa lahat upang sumunod sa batas at umiwas sa anumang iligal na gawain.

Ayon pa kay Kapitan Tolentino, pumapayag naman sila na maglaro ng baraha ang mga residente ngunit sa mga pagkakataon lamang na may mga lamay.

Paalala at paki usap ng kapitan sa mga residente sa kanilang barangay, huwag nang sumubok pang mag sugal upang hindi na maulit pa at masangkot sa ganitong uri ng insidente.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments