𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

CAUAYAN CITY- Hindi na muling nasundan pa ang siyam na kaso ng dengue sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Daniel Acob, matapos ang sunod-sunod na naitalang siyam na kaso ng dengue sa lugar ay hindi na muling nakapagtala nito.

Aniya, epektibo ang kanilang isinagawang pag-spray sa mga kabahayan na nagpositibo sa dengue.


Sinabi pa nito na puspusan ang kanilang pagpapaalala sa mga residente na panatilihin laging malinis ang kanilang kapaligiran upang hindi matamaan ng sakit na ito.

Samantala, bukod sa mga kabahayan ay nag-spray rin ng gamot laban sa mga lamok ang pamunuan ng Brgy. Tagaran sa Tagaran Elementary School bilang bahagi ng Brigada Eskwela.

Facebook Comments