
Cauayan City – Patay ang isang barangay tanod matapos itong pagtatagain ng kanyang kainuman sa naganap na hacking incident kahapon, Pebrero 03, 2026, sa Barangay San Antonio, Cauayan City.
Ang biktima ay kinilalang si Marvin Garcia na nagsisilbing barangay tanod ng nasabing barangay habang ang suspek naman ay si Felino Baldos, isang construction worker, at residente rin ng Barangay San Antonio.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Cauayan Component City Police Statio , bago ang insidente ay nagkaroon umano ng inuman ang biktima at ang suspek kasama ang tatlo pang indibidwal na itinago sa alyas na na “Gil,” “Jhon,” at “Jarel,” pawang nasa wastong edad at mga residente rin ng nasabing barangay.
Habang kumakain ang biktima sa lugar ng inuman, bigla na lamang umanong lumitaw ang suspek at pinagtataga ang biktima mula sa likuran, kung saan tinamaan ang ulo at leeg nito nang ilang beses.
Matapos ang pananaga, agad na tumakas ang suspek sa hindi pa matukoy na direksyon, dala ang ginamit na patalim.
Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nag-ugat umano ang krimen sa biruan tungkol sa kanilang mga asawa na prehong may asawa ng iba.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. San Antonio Captain Roosevelt Perida Jr., walang record ng kanit ana anong insidente ang suspek sa kanilang lugar.
Dagdag pa niya, naiwan ang apat na anak ng biktima kung saan ang ikatlong anak nito ay may sakit sa puso na nahimatay noong nalaman ang sinapit ng kanyang ama.
Napag-alaman rin na magkaibigan ang suspek at biktima at magkakilala mula pa noong estudyante pa lamang sila.
Hindi rin masyadong nagsasalita ang biktima kaya nagulat silang lahat sa ginawa nitong krimen.
Nangangamba na rin umano ang mga residente sa lugar dahil nakatakas ang suspek. Karamihan ay nagsasara na ng maaga bilang pag-iingat sa posibleng panganib.
Narito ang panawagan ni Kapitan Perida sa suspek.
Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para sa posibleng agarang pag-aresto sa suspek.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










