
βCauayan City – Muling binuksan para sa mga bagong scholars ang aplikasyon ng BRO-Ed para sa First Semester ng Academic Year 2025β2026.
Ayon sa pamunuan ng BRO-Ed, ang pagbubukas ng aplikasyon ay nagbibigay ng panibagong oportunidad sa mga kabataang IsabeleΓ±o na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga akademikong layunin sa darating na semestre.
βDahil dito, Hinihikayat nila ang mga estudyante ng Isabela na ihanda ang kanilang mga requirements at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo upang hindi mahuli sa iskedyul ng aplikasyon.
βSamantala, nilinaw din ng BRO-Ed na ang mga kasalukuyang iskolar na nakapagsumite na ng kanilang renewal sa BRO-Ed Portal ay hindi na kinakailangang magsumite pa muli ng mga requirements para sa susunod na semestre.
Nagsimula ang submission of requirements nitong ika-8 ng Enero at magtatapos sa ika-15 ng Enero 2026.
Source: BRO FOR EDUCATION/FB
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










