𝗕𝗦𝗣 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡, 𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Muling gaganapin ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Piso Caravan sa lalawigan ng Pangasinan na may layong mapalitan ang mga marumi at sira-sirang pera.

Ngayong araw, August 19, mula alas nwebe ng umaga hanggang alas dos ng hapon, aarangkada ang Piso Caravan sa Card Bank Inc., Alaminos Branch, Alaminos City at sa darating naman na August 22, maaaring magtungo sa Card Bank-Lingayen Branch, Lingayen.

Mayroon ding iba’t-ibang branch lite unit na pwedeng puntahan ng mga Pangasinense tuwing Lunes na magpapalit ng mga sirang pera tulad na lamang sa No.4 Gen Luna Poblacion, Aguilar 1; Barangay Tampac, Aguilar 2; San Isidro Sur, Binmaley; Highway Salasa, Bugallon; Malindong Binmaley, Lingayen 2; Tobuan Labrador, Sual; Poblacion, Anda; Poblacion East, Agno; Celeste St., Bolinao 1; Germinal, Bolinao 2; Brgy. Goyoden, Bolinao 3; at Sitio Aludig, Burgos.

Mapapalitan ng bagong pera o e-money ang mga itinuturing na unfit o mga nalukot, kupas na imprenta, may mantsa at mutilated money o mga may punit, butas, nginatngat ng hayop o sira-sirang pera sa pamamagitan ng BSP Piso Caravan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments