
Cauayan City – Inanunsyo ng BTS ang isang live concert sa Netflix na ipapalabas sa March 21 mula sa Gwanghwamun Square sa Seoul, bilang pagdiriwang ng kanilang comeback at ng nalalapit na album na ARIRANG na lalabas sa March 20.
Ayon sa Netflix, susundan ito ng documentary film na BTS: The Return sa March 27, na magpapakita ng exclusive behind-the-scenes at ng muling pagsasama ng grupo matapos ang kanilang military service.
Kasabay ng anunsyo, inilunsad din ng BTS ang kanilang world tour na may 82 shows sa 34 cities.
Huling nag-perform ang grupo sa labas ng US at South Korea noong 2019 at nakatakda silang magtanghal sa London sa July 6 at 7.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










