π—•π—¨π——π—šπ—˜π—§ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—œπ—Ÿπ—œ π—‘π—š π—‘π—’π—–π—›π—˜ π—•π—¨π—˜π—‘π—” π—œπ—§π—˜π— π—¦, π—œπ—‘π—œπ—›π—”π—›π—”π—‘π——π—” 𝗑𝗔 π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—–π—’π—‘π—¦π—¨π— π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Naghahanda na ang ilang mga consumer sa Dagupan City ng kanilang budget para sa pagbili ng noche buena items pati na rin ng iba pang kakailanganin para sa holiday season.
Kahit pa umano ilang beses nakaranas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga consumer ngayong taon ay di umano nila kaliligtaan ang paghahanda sa araw ng pasko at bagong taon bilang pasasalamat na nalampasan pa rin nila ang isa pang taon.
Kanya kanya ng budget planning ang ilan, tulad ng paglilista ng mga importante at dapat lamang na bilhin at maging maagang pagtingin sa mga price list na ilalabas ng DTI ng sa gayon ay saktong mapaghandaan ang kanilang mga bibilhin.

Samantala, nakatakdang ilabas ngayong linggo ng DTI ang suggested retail price ng mga noche buena items maging pagsisiguro na tatalima ang lahat ng mga pamilihan sa presyong itatakda. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments