𝗕𝗨𝗟𝗟𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔

Ikinababahala ng ilang estudyante sa Dagupan City ang pambubully ng kapwa estudyante ng mga ito.

Ayon sa ng ilang freshmen students na nakapanayam ng IFM News Dagupan, kahit pa umano tumungtong na ang mga ito sa kolehiyo ay may presensya pa rin ng bullying.

Malaking parte umano ng kanilang emosyonal na aspeto ang nararanasang bullying.

Matatandaan na naglunsad ang ilang ahensya ng gobyerno ng helpline para sa mga estudyanteng nakakaranas ng bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.

Hinihikayat rin ang ilan na lumapit sa guidance counselors ng mga paaralan upang matulungan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments