Siniguro ng Bureau of Immigration (BOI) Dagupan Field Office na sumusunod sa compliance ang mga nakabaseng foreign nationals sa lungsod.
Ayon sa panayam ng IFM news Dagupan kay BOI Dagupan Spokesperson Dana Krizia Sandoval, 1, 300 ang bilang ng mga foreign nationals sa Dagupan City, hindi pa dito kasama ang naturalized na dayuhan.
Mayroong mga permanente na umanong nakatira sa lungsod, mayroon din non-immigrants kung saan pinakamarami ay mga Indians.
Sa tala ng Bureau of Immigration Dagupan Field Office, siyamnapu’t siyam(99) na foreign national ang nag-aaral ngayon mula sa mga school areas sa lungsod.
Samantala, bumibisita ang mga foreign nationals sa tanggapan upang mag-update ng kanilang mga dokumento.
Ilan lamang dito ay annual issuance para sa extension para sa mga mayroong student visa, at annual reports na isinasagawa tuwing unang animnapung araw ng taon na siyang requirement, immigrant man o non-immigrant. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨