Sinimulan na ng Land Transportation Office o LTO Region 1 ang inspeksyon ng mga bus terminals sa Ilocos Region bilang paghahanda sa Undas.
Sinuri ng kawani ng LTO ang mga ilaw, preno at gulong ng mga bus at iba pang public utility vehicle sa ibat-ibang paradahan sa rehiyon upang iwas disgrasya.
Ilan pa sa tinitignan ay kung mayroong seatbelt ang driver. Maliban dito inaalam ng ahensya kung naka rehistro at may prangkisa ang sasakyan.
Pinagting rin ng LTO ang advocacy campaign nito para sa Oplan Biyaheng Ligtas Undas para sa maayos na biyahe ng mga mananakay.
Samantala,normal pa ang biyahe ng mga bus sa mga terminal sa rehiyon ngunit inaasahan na ang pagdagsa ng pasahero sa mga susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments