𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪𝗔𝗟𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy na isinasagawa ngayon sa bayan ng Asingan ang pag-isyu sa mga negosyante ng kanilang mga business permit renewals at pagbibigay ng lisensya sa mga bagong negosyong nais ipatayo sa bayan.

Ayon sa tala ng lokal na pamahalaan ng bayan, sa ngayon ay umabot na sa higit anim na raan o 630 na business renewals at mga lisensya ng mga bagong negosyo ang kanilang nabigyan sa ng Business One Stop Shop.

Sa mga susunod pang mga araw ay inaasahan pa ang pagdagsa ng mga negosyante sa munisipyo para sa pagpapa-isyu ng kanilang mga business permits at renewal.

Ang deadline naman ng naturang pag-iisyu para sa business renewal at business license ay sa January 20, 2024.

Kung hindi makakaabot sa itinakdang deadline ang mga negosyante ay mapapatawan sila ng karampatang penalty.

Nitong nakraang taon, nasa higit isang libo o 1,854 ang nakakuha ng business permit sa munisyo ng Asingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments