Inaasahan na ang pagsisimula sa pagbaba pa sa buying price ng palay habang nagpapatuloy ang harvest season simula ngayong buwan, ayon sa ilang agricultural groups.
Umpisa ngayong buwan ng Marso ang dry harvest season at magtatagal ito hanggang sa Abril ngayong taon.
Sa kasalukuyan, nasa ₱22 hanggang ₱23 ang kuha na ngayon sa per kilo ng fresh palay, habang naglalaro naman ₱26 hanggang ₱28 per kilo ang bentahan sa dry palay mula sa naunang presyo nito na P28 hanggang ₱30.
Tiwala ang agricultural group na Federation of Free Farmers na makatutulong ang kabuuang harvest ng palay sa pagpababa ng presyuhan ng bigas sa merkado.
Sa Pangasinan, patuloy na nararanasan ang bahagyang pagbaba sa kada kilo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments