Umabot na sa animnapu hanggang pitumpung porsyento ang naaning palay ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG.
Dahil sa masagana ang naaning palay sa lalawigan sumadsad sa 21 pesos ang buying price ng palay mula sa 24-25 pesos noong nakaraang anihan.
Paliwanag ng awtoridad, ang dahilan ng pagsadsad ng buying price ng palay ay dahil sa sabay-sabay na nag-ani ang mga magsasaka.
Dahil dito,ilang magsasaka na rin ang piniling huwag munang magbenta hanggang sa tumaas muli ang presyo upang makabawi sa mga farm inputs na inilaan nila.
Inaasahan na rin ang bahagyang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado dahil sa marami ang naani.
Sa ngayon, naglalaro mula 48-60 pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas sa mga pamilihan sa lalawigan, depende sa klase nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨