𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢

Tuloy-tuloy at sunod-sunod na ang mga byahe ng mga bus terminal sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa magsisi-uwian at maging aalis sa probinsya para selebrasyon ng pasko at bagong taon kaya naman para maiwasan ang delay at maaaring aberya sa byahe, pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Manila ang mga provincial buses na dumaan muna sa EDSA simula, kahapon December 24 hanggang January 2, 2024.

Ang pag-iimplementa nito ay para sa inaashaang dagsa ng mga babyahe pabalik at paalis sa mga probinsya ngayong holiday season.

Ngunit ayon sa MMDA, kahit pa pinayagan muna ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA, dapat na huminto ang mga manggagaling sa North Luzon sa mga terminal sa Cubao, Quezon City habang sa terminal naman ng Pasay City ang mga manggagaling sa South Luzon.

Sisiguruhin naman ng mga bus terminal na walang anumang aberyang mangyayari sa gitna ng kanilang mga byahe.

Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang mga dumarating na mga byahero sa mga bus terminal sa lalawigan nang sa gayon ay makahabol pa sa pagseselebra ng pasko at bagong taon kasama ang kanilang mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments