
βCauayan City – Pinaiigting ng Technical Working Group (TWG) ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang tuloy-tuloy na pagsasanay upang mas mapalakas ang kahandaan ng lalawigan laban sa ibaβt ibang uri ng kalamidad.
β
βIto ang binigyang-diin ni Chief of Staff Felipe Buena Jr., kinatawan ni Gobernador Edgar βManong Egayβ Aglipay, sa kauna-unahang TWG meeting ngayong taon na ginanap sa Capitol Compound. Ayon sa kanya, mahalagang regular na isinasagawa ang mga pagsasanay upang manatiling handa at updated ang mga rescuer at tagapagsanay sa ibaβt ibang sitwasyong dulot ng sakuna.
β
βIminungkahi rin ni Buena ang mas aktibong pagsasama ng mga bayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Plan upang magkaroon ng iisang response protocol at mapalakas ang koordinasyon hanggang barangay at purok level sa pamamagitan ng mga trainorsβ trainers.
β
βSamantala, sinabi ni PDRRMO Officer-in-Charge Cesar Cuntapay na nakapaloob na sa mga programa para sa 2026 ang serye ng mga disaster preparedness trainings. Inaasahang ihaharap din ng PDRRMO ang pinal na PDRRM Plan sa mga alkalde ng lalawigan sa darating na Mayorβs League meeting.
β
βSource: Cagayan PIO
β







