𝗖𝗔𝗞𝗘 𝗕𝗔𝗞𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗞𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯

Hindi ito ang ordinaryong cake na ating nakasanayan tuwing may birthday party pero paano nga kung ganito na sa 3D o high tech ang mga cake ngayon.
Bilang isang cake artist ipinamalas ni idol Alvin Gomez tubong Manaoag ang husay at galing sa nakamamanghang disenyo ng kanyang cake sa kakatapos na Cake Manila Fiesta 2023 sa SMX Convention Center Manila.
Aakalain mo bang ang cake na binake ni Alvin na ulo ng ” Capricorn” bilang kanyang masterpiece sa Sculpted Cake Category ay siyang nagpanalo sa kanya ng Silver Award samantalang ang wedding cake niyang ” Peacock ” ang itinanghal naman na Bronze Award sa Wedding Cake Category.

Mula sa iFM, Congratulations! Naway mas lalong ma-inspire ang mga small and big cake enthusiast sa iyong galing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments