Friday, January 30, 2026

𝗖𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗𝗔𝗥 𝗢𝗙 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗦𝗞 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔

Cauayan City – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na Calendar of Activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Nobyembre 2, 2026.

Ayon sa COMELEC, magsisimula ang voter registration period sa Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, kabilang ang Sabado at mga holiday.

Saklaw nito ang mga aplikasyon para sa bagong botante, transfer ng rehistro, reactivation, correction ng entries, at updating ng records ng mga PWD, senior citizens, at iba pang sektor.

Para naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), itinakda ang voter registration mula Mayo 1 hanggang Mayo 18, 2026.

Ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ay mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 21, 2026.

Itinakda ang election period at gun ban mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre 9, 2026.

Samantala, ang campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31, 2026.

Ayon sa ahensya, sa Nobyembre 1, 2026, bisperas ng halalan, ipatutupad ang liquor ban at muling ipagbabawal ang pangangampanya.

Sa mismong Araw ng Halalan, Nobyembre 2, 2026, magbubukas ang botohan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, kasabay ng liquor ban at pagbabawal ng pangangampanya.

Ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sa Disyembre 2, 2026.

Batay ito sa COMELEC Resolution Nos. 11177 at 11191.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments