𝗖𝗔𝗠𝗣 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Planong ilunsad ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtataguyod ng Camp Management Plan sa ilang bahagi ng lalawigan.

Ang isinusulong na panukalang ito sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ay inisyatibo diumano ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Risk Reduction Management Office.

Ayon sa pahayag ni Vice Governor Mark Lambino, ang Camp Management Plan ay ang pagtataguyod ng mga evacuation sites o emergency sites sa mga oras ng kalamidad sa probinsya.

Paglilinaw ng Bise Gobernador na ang isinusulong na panukala ay magtatakda ng kung sino ang mangangasiwa, kung saan itatayo ang mga istruktura, gayundin ang iba pang mga kinakailangan sa mga oras ng kalamidad.

Samantala, ang hakbanging ito ay isa lamang sa paghahanda ng probinsya ngayong inaasahan ang magiging mapaminsalang la niña phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments