Friday, February 20, 2026

β€Žπ—–π—”π—₯π—Ÿπ—’π—¦ π—¬π—¨π—Ÿπ—’, π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗣𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—¦π—§π—”π—šπ—˜

β€ŽCauayan City – Hindi pa tapos ang laban para kay Carlos Yulo sa kabila sunod-sunod na tagumpay sa iba’t ibang international tournaments. Mula SEA Games hanggang Olympics, patuloy niyang dinadala ang karangalan sa Pilipinas.
β€Ž
β€ŽSa kabila ng kanyang mga medalya, target niyang ipagtanggol ang dalawang korona sa 2028 Olympics sa Los Angeles. Aniya, marami pa siyang gustong maabot sa kanyang karera.
β€Ž
β€ŽNaniniwala rin si Yulo na kaya pa niyang sumabak sa 2032 Brisbane Olympics. Gayunman, prayoridad niyang manatiling healthy at makaiwas sa injury sa bawat ensayo at kompetisyon.
β€Ž
β€ŽSa ngayon, nagpapahinga muna siya at nagbabakasyon kasama ang kasintahang si Chloe.
β€Ž

Facebook Comments