Nagtakda ang provincial government na mag-alok ng cash incentives sa mga Pangasinenseng mag-aavail sa e-Konsulta program sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa inaprubahang ordinansa, nakasaad ang pabibigay ng magandang access ng serbisyong pangkalusugan sa mga indigent at marginalized communities at pagkakaroon ng insentibo tulad ng cash incentives, food at transportation assistance.
Kinwestyon naman ni 4th district congressman at board member Doc Jerry Agerico Rosario ang pagkakaroon pa ng incentives tulad sa bayad sa gamot kung sakop naman na ito ng e-konsulta program.
Sinagot naman ito ng may akda ng ordinansa na si SP board member Sheila Marie Baniqued.
Aniya, hindi umano maproprovide lahat ng e-Konsulta program at may porsyento lamang na kanilang sasagutin sa mga enrolled na populasyon. Kaya naman kailangan umano nilang punan ito upang masakop ang buong populasyon ng lalawigan na mag-aavail sa naturang programa.
Hinihikayat ngayon ang mga Pangasinense na kunin ang oportunidad na makapagpatingin o check up sa ilalim ng programa.
Nagbigay katiyakan naman ang provincial government na makikipag-ugnayan sila sa mga local government units sa lalawigan para sa pagsisigurong ma aavail ng mga ito ang mga benepisyo sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨