Wednesday, February 4, 2026

𝗖𝗔𝗦𝗛𝗜𝗘𝗥, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗧𝗛𝗘𝗙𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Arestado ang isang cashier matapos tangayin ang humigit-kumulang P140,000 mula sa isang motorcycle dealership sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan Component Police Station, ang biktima ay kinilalang si alyas “Joy”, Regional Operation Manager ng motorcycle gallery habang ang suspek naman ay si alyas “Kaye” cashier ng kumpanya kung saan nagtratrabaho ang biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon, inutusan ang suspek ng kanilang roving accounting officer na ideposito sa bangko ang halagang ₱140,000 bandang alas-2:30 ng hapon.

Gayunman, nang tanungin ukol sa deposit slip bandang alas-5:59 ng hapon, sinabi ng suspek na hindi niya naideposito ang pera at ginamit umano ito para sa gamot ng kanyang ama. Tanging ₱7,300 lamang ang naibalik sa kumpanya.

Mahaharap ang suspek sa kasong Qualified Theft at kasalukuyang nasa himpilan ng Cauayan Component City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments