𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗖𝗔𝗦𝗨𝗔𝗟𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗣𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Cauayan City – Napanatili ng lungsod ng Cauayan ang pagiging Zero Casualty sa nakalipas na paghagupit ng bagyong Nika sa buong lungsod.

Sa ibinahaging impormasyon ng alkalde ng lungsod ng Cauayan na si Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr. matapos ang paghagupit ng bagyo ay kaagad na nagpulong ang LGU Cauayan kasama ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang mga ahensya upang malaman ang status ng buong lungsod.

Sa kanilang monitoring, walang naitalang casualty subalit umabot sa 3,994 na pamilya na binubuo ng 13,023 na indibidwal ang inilikas sa mga evacuation centers sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod.


Umabot naman sa 12 tahanan ang tuluyang nasira habang 716 naman ang bahagyang napinsala dahil pa rin sa naranasang malalakas na hangin at pag-ulan.

Samantala, upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo, kaagad na binisita ng mga City Officials ang mga bawat barangay upang mamahagi ng relief packs sa mga evacuees.

Facebook Comments