
Cauayan City – Pasok sa World Archery Philippines National Youth Team ang isang Cauayeño na sk Zac Labog Zayco.
Nakamit ni Zayco ang ika-apat na puwesto sa U18 Compound Category sa katatapos lamang na 2026 World Archery Philippines National Training Pool and National Youth Training Pool Selection sa Marikina City.
Nagsimula ang selection process sa 84 na archers mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, at kabilang si Zayco sa mga piling atleta na nakapasok sa National Youth Team.
Dahil dito, siya ay inaasahang magiging bahagi ng koponan na magre-representa sa Pilipinas sa mga susunod na international archery competitions.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










