
Cauayan City – Umabante sa semifinals ng Las Vegas Open si Chezka Centeno matapos pagdaanan ang isang matinding quarterfinal match sa Westgate Las Vegas Resort and Casino sa Nevada.
Kinailangan ni Centeno ang halos tatlong oras bago tuluyang matalo ang dating world champion na si Jasmin Ouschan sa iskor na 2-1.
Aminado si Centeno na sinuwerte lamang siya sa ilang pagkakataon, ngunit nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapasok sa susunod na yugto ng torneo.
Sa semifinals, haharapin naman niya si Kristina Zlateva ng Bulgaria na umusad matapos talunin si Sofia Mast sa iskor na 2-0.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










