𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗩𝗘𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Certificate of Registration para sa Technical Vocational Education and Training (TVET) Program ang Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center sa Lalawigan ng Cagayan.

Ang sertipikasyon ay mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 2 kung saan sumailalim sa pagsasanay ng Rice Machinery Operations NC II ang mga Cagayano farmers.

Sa pahayag ni Engr. Pearlita Mabasa, Provincial Agriculturist, tatlong (3) grupo na ng mga magsasaka ang sumasailalim sa pagsasanay sa loob ng 32 days o 232 hours.


Dagdag pa nito, mula sa opisina ng Provincial Agriculturist ang nakatutok sa bawat grupo sa nasabing pagsasanay.

Facebook Comments