𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Patuloy na pinaiigting ng PNP Asingan ang pagsasagawa ng checkpoints sa national at provincial roads para sa implementasyon ng pagsusuot ng reflectorized vest.

Ilan sa mga itinuturing na national at provincial roads sa bayan ay ang bypass road mula Asingan patungong Urdaneta – Binalonan at provincial road mula Asingan patungong Villasis via Carusucan Sur.

Ayon kay PNP Asingan Chief PMAJ Katelyne Awingan, asahan umano ng mga motorista na mas maghihigpit ang kapulisan sa pagsasagawa ng checkpoints.

Aniya, mula sa dating 3 hanggang anim na beses tuwing weekdays at weekends ay madadagdagan pa ito.

Hinikayat ni Awingan ang mga motorista sa lalawigan na bagamat hindi pa nanghuhuli ang pulisya sa mga motoristang walang suot na reflectorized vest ay ugaliin na aniya ang pagsunod nito para sa kanilang kaligtasan.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀

Facebook Comments