𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga child development workers (CDWs) sa isinagawang Fellowship and Awards Night ng 9th Provincial Convention 2024 sa Sison Auditorium.

Pinagkalooban naman ng special awards ang apat na retirees na sina Teresita Laguardia (38 years) mula sa bayan ng Bautista, Medelina P. Laureano (35 years) ng Binmaley, Marlyn Gutierrez (29 years) ng Sto. Tomas, Virgie De Vera (28 years) ng Mapandan, at Marjorie Florida (28 years) ng Sto. Tomas.

Binigyan din ng pagkilala ang Provincial Federation of Child Development Workers of Pangasinan, Inc. o (PFCDWPI) City/Municipal Chapter Presidents, at PFCDWPI Officers.

Mayroon ding special awards katulad ng Brightest Star of the Night (Male) mula sa bayan ng San Nicolas, at Brightest Star of the Night (Female) mula sa siyudad ng San Carlos, Biggest Delegation na nakamit ng LGU Bayambang, at Early Bird na nakuha ng LGU Asingan.

Sa huling araw ng convention, nagbigay ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ang Provincial Federation of Child Development Workers of Pangasinan, Inc. o (PFCDWPI) sa pamamagitan ni Executive Vice President Esfer P. Segundo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments