
Cauayan City – Ilang araw bago ang Valentine’s Day, matumal pa rin ang bentahan ng chocolate bouquet sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Jessica, staff sa isang chocolate shop sa lungsod, P250 ang pinamurang chocolate bouquet nila habang ang pinakamahal naman ay nasa P1,600.
Dagdag pa nito, mas mabenta umano ang mga naka-packs na chocolate kaysa sa mga chocolate bouquets.
Sinabi rin nito na bukas rin sila sa mga customized chocolate bouquets subalit nakadepende ang presyo nito sa klase ng tsokolateng ilalagay.
Samantala, umaasa naman sila na magiging mabili ang mga chocolate bouquets sa araw mismo ng mga puso.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










