Nagliwanag ang gabi ng mga mag-aaral sa Pangasinan State University Binmaley Campus dahil sa pagkutitap ng mga ilaw sa kanilang Lantern Festival, kagabi.
Ang mga mag-aaral mula sa kursong Criminology, Education, Fisheries, and Environmental Sciences Department ay nagsama-sama upang ipakita ang paggawa sa recycled material na maging lantern.
Kabilang dito ang mga disenyo tulad ng Koi Fish, Lotus Flower, Baton, Gift Lantern, at Lantern of Educator, na nagpapakita ng kahalagahan ng kalikasan at ang pagiging responsable sa paggamit ng mga materyales.
Espesyal ang naturang programa dahil sa kanilang paghahandog ng mga parol sa apat na barangay ng Binmaley, San Isidro Norte, San Isidro Sur, Poblacion, at Buenlag na maari nilang i-display.
Layunin nito na maipadama ang diwa ng pasko ngayong taon kahit sa simpleng paraan lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨