Dinagsa ng libo-libong residente ang Christmas Lighting Ceremony sa Pangasinan Provincial Capitol, Lingayen, biyernes ng Gabi.
Pinailawan ang Giant Christmas tree na nasa harap ng kapitolyo. Nagningning rin ang paligid nito dahil sa mga inilagay na dekorasyon.
Nakasentro ang tema ng selebrasyon ngayong taon sa pagbibigay kasiyahan sa mga kabataang Pangasinense sa temang Paskong ang Galing, Bida mga Chikiting’.
Sa mensahe ni Governor Ramon Mon Mon Guico Jr. binigyang-diin nito ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga bata at kabataan.
Bahagi rin ng programa ang pagkilala sa lokal na pamahalaan sa lalawigan na nakilahok sa LGU MTV Competition.
Samantala, inilatag na ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga nakalinyang aktibidad na aasahan ng mga Pangasinense sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments