Wala pang natatanggap ang pamunuan ng City Agriculture Office Dagupan sa mga nag-aalaga ng isda sa lungsod na wala pang naitalang mass mortality ng mga isda sa kabila ng nararanasang malamig na panahon.
Ito ang inihayag ni CAO Officer in Charge John Patrick Dizon sa panayam ng IFM News Dagupan kung saan sinabi nito na kanilang isinasagawa ang monitoring sa iba’t ibang mga fish growers sa lungsod upang alamin ang bawat sitwasyon ng mga isda sa ganitong mga panahon.
Dagdag pa niya na katuwang ang Task Force Bantay Ilog sa pagsasagawa ng pagbabantay at monitoring sa mga nag-aalaga ng isda sa bawat growing areas sa lungsod.
Layunin ng kanilang monitoring ay upang siguraduhin na walang nagaganap na mga fish kills sa lugar.
Layunin pa ng ahensya ay upang siguraduhin ang kalidad ng mga isda na ibebenta sa merkado.
Ipinayo naman ng opisyal sa mga mangingisda na iwasan na lang ang sobra-sobrang pagpapakain dahil baka isa pa ito sa maaaring pagkamatay ng mga inaalagaang isda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨