𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢; 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗡𝗜 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘; 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔

Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang malaking bahagi ng Rehiyon Uno sa nagdaang bagyong si Kristine at Leon, isa pang bagyo ang maaring dumaan sa rehiyon.

Sa pagtataya ng PAG ASA, posible na namang tawirin ng bagyo ang malaking bahagi ng rehiyon pagsapit ng huwebes o biyernes.

Dahil dito, itinaas na ang Blue Alert Status ng RDRRMC 1 at mga nasasakupan nitong probinsya.

Nagsagawa na rin ng Pre-Disaster Risk Assessment ang mga member agencies ng OCD 1, upang mapaghandaan ang bagyo maging ang mga magiging epekto nito.

Sa muling pagtawid ng panibagong bagyo, ilang residente ang naghahanda na at umaasang huwag hagupitin ang Northern Luzon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments