𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Patuloy ang pagsasagawa ng clean up drive at paglilinis sa mga kanal sa bawat barangay ng tanggapan ng City Engineering Office sa Dagupan City.

Ito ay hakbang upang matiyak na malinis ang lahat ng drainage kung saan dumadaloy ang tubig-ulan at tubig-baha sa tuwing nagkakaroon ng pag-ulan at bagyo.

Isa rin ito sa inisyatibo ng tanggapan bilang bahagi ng disaster preparedness measures nang sa gayon ay mabawasan ang epekto ng baha ngayong kasagsagan ng tag-ulan.

Kamakailan lamang ay isinagawa ang naturang paglilinis sa mga kanal sa mga barangay ng Calmay at pagtatanim ng puno sa bahagi ng Bonuan Boquig Elementary School. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments