Monday, January 19, 2026

𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pinaigting ng Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos ang hakbang nito kontra Dengue sa pamamagitan ng isinagawang City-wide Simultaneous Cleanup Drive sa lahat ng barangay.

Nilibot ng bawat barangay council ang mga kabahayang nasasakupan nito upang malinisan ang mga lugar na maaring pamugaran ng lamok .

Hinihikayat naman ng City Health Office ang publiko sa tuloy-tuloy na paglilinis sa mga komunidad upang maging epektibo ang isinasagawang fogging operations.

Nagpapatuloy din ang misting at fogging operations sa mga paaralan at iba pang pampublikong lugar sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments