𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗕𝗘𝗛𝗜𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng signing of Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Jail Management and Penology Region 2, Cabarroguis District jail, at Quirino State University (QSU) – Diffun campus para sa implementasyon ng programang College Education Behind Bars (CEBB) sa buong Rehiyon Dos.

Sinabi ni Jail Senior Inspector Janos Taeza, layunin ng CEBB Program na bigyan ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Sa kasunduang pinirmahan, maghahandog ng iba’t ibang academic programs ang QSU sa mga PDLs.


Samantala, bukod sa CEBB, magkakaroon din ng pirmahan ng memorandum sa pagitan ng BJMP region 2 para sa Skills Training and Livelihood at QSU Cabarroguis campus.

Facebook Comments