
Cauayan City – Isinagawa kahapon, ika-18 ng Enero 2026 ang Color Fun Run, isang aktibidad na bahagi ng Bambanti Festival 2026.
Dinaluhan ito ng mga daan-daang katao kabilang na ang mga kabataan, organization leaders, kababaihan, at kalalakihan bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga Isabeleño.
Ang aktibidad ay naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay at palakasin ang diwa ng pagkakaisa bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Bambanti Festival.
Bukod sa saya at kulay, naging daan din ang aktibidad upang isulong ang sports at wellness tourism sa lalawigan.
Ang Color Fun Run ay isa lamang sa maraming aktibidad na inihanda ng pamahalaang panlalawigan para sa Bambanti Festival 2026 na patuloy na nagbibigay-diin sa kultura, pagkakaisa, at masiglang diwa ng mga Isabeleño.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










