𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘

Sa pagtatapos ng Certificate of Candidacy o COC filing ng mga personalidad na nais tumakbo para sa susunod na halalan, nagpaalala ang COMELEC Dagupan para sa mga aspirante at botante.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Dagupan Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, nawa’y tumalima ang mga naghain ng COC sa mga nakasaad na manifesto gayong binasa at pinirmahan nila ito.

Matatandaan na kinakailangang pirmahan ng mga ito ang tinatawag ng Integrity Pledge na may layong magpaintindi sa mga aspirante ang nararapat na pagsunod sa konstitusyon, Election laws, rules and regulations upang matiyak ang mapayapa at MALINIS na halalan.

Paalala rin ni Sarmiento sa mga botante na nararapat lamang na kilatisin ngayon pa lang mga kumakandidato upang matukoy kung ang mga ito ay karapat-dapat sa posisyon para mamuno.

Samantala, natapos na nitong October 8 ang COC filing at susunod ang pagbusisi ng COMELEC at Law Department at saka naman ilalabas ang mga official candidates para sa Halalan 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments