𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘

Nagsagawa ng Special Satellite Voters Registration ang Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan sa mga kababayang Indigenous People (IPs) sa Barangay Malico, San Nicolas.

Isinagawa ang voter registration dito upang makaboto sa mga susunod na halalan ang mga IPs.

Ilan sa mga naserbisyohan ng voter registration ay ang mga Iwa, Kalanguya, Kankanaey at Ibaloi tribe sa barangay.

Maliban sa voter registration nagsagawa din ng inspection ang kawani ng COMELEC sa voting centers ng Malico Elementary School bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections.

Ang barangay Malico sa San Nicolas ay kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) o malayong lugar na sakop ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments