𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝟳𝟱𝗞 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗡𝗧𝗦

Nalampasan na ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang target registrants nito na 75,000 bilang paghahanda sa midterm elections sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, nasa 123,000 na botante na ang naitalang nairehistro ng COMELEC Pangasinan. Ayon kay Comelec-Pangasinan Election Supervisor Atty. Marino Salas, nakatulong ang mga isinasagawa nilang off-site registrations sa mga mall, barangay, at mga paaralan sa lalawigan.

Aniya, napalitan na rin ng naungusan target registrants ang mga tinanggal na mga botante sa probinsya.

Sa ngayon, nasa 2.1 million na mga botante ang kabuuang naitala ng COMELEC sa buong lalawigan ng Pangasinan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments