𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗙𝗜𝗙𝗜𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖

Aarangkada ngayong araw ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga naghahangad na tumakbo sa darating na Halalan sa susunod na taon.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Oganiza, mainam aniya na magtanong o makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa wastong requirements bago magtungo sa COMELEC Offices upang ihain ang kanilang kandidatura.

Ito ay upang maiwasan ang anumang aberya tulad ng pagkareject ng aplikasyon dahilan ang hindi kumpletong kinakailangan papeles para sa mga magfile ng kanilang COC.

Dagdag ni Attorney Oganiza, dapat umanong desidido ang mga maghahain ng COC dahil papayagan lamang nila ang substitution sa buong linggo.

Sa oras na lumampas na at natapos na ang filing ng COC ay awtomatikong sakop na ang mga ito ng mga patakaran ng tanggapan at hindi na papayagan pang mag-back out o magkaroon ng substitution.

Sa mga magpapasa ng substitution sa mga araw na nakalaan sa filing ng COC, kinakailangan ilagay ang ang pangalan ng ipapalit na aspirant sa Statement of Withdrawal, kalakip ang COC at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nito.

Hindi naman maaaring magkaroon ng substitution ang mga independent candidate.

Samantala, inaasahan ng ahensya na magiging maayos ang buong linggo ng COC Filing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments