Maiging tututukan ngayon ng Commission on Population and Development o CPD ang kaugnay sa patuloy na tumataas na kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Ayon sa tala, nasa higit isang daang libong mga babae sa bansa ang nabubuntis nang maaga o teenage mothers kada taon kaya naman isa ang isyung ito sa itinuturing ng gobyerno bilang isa sa urgent national priority.
Palalakasin pa umano ng gobyerno ang mga naiisip na solusyon para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Dito sa lalawigan ng Pangasinan, naitala sa ikatlong quarter ng 2023 ang pagkakaraon ng 23 na kaso na nabuntis sa edad sampu hanggang labing apat na taong gulang, habang may 1,627 na nabuntis sa edad na labing lima hanggang labing siyam na taong gulang 15-19 na may kabuuang 1,650 na kaso.
Samantala, matatandaan naman noong 2023 na may naaprubahang ordinansa ang Sangguniang Panlalawigan na Teen Pregnancy Reduction Program para sa layon nitong mapababa ang mga naitatalang kaso ng maagang pagbubuntis sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨