Cauayan City – Kasalukuyan ang ginagawang paghahanda ng pamunuan ng Brgy. Culalabat para sa evaluation ng kanilang Communal Garden ngayong araw.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy Kapitan Benigno Ramuran at Brgy. Kagawad Nena Abad, halos isang buwan ang ginugol nilang oras para ayusin ang kanilang Communal Garden.
Watch more balita here: 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘
Ayon sa kanila, noong nakaraang evaluation ay mayabong at namumunga na ang kanilang mga pananim ngunit dahil sa nararanasang mainit na panahon ay unti-unting nagsimatay ang mga ito.
Dahil dito, kinakailangan nilang magbungkal at magtanim muli ng panibagong mga punla ng gulay.
Sa ngayon, mahigit 30 klase ng mga gulay at prutas ang kanilang naitanim sa kanilang garden at umaasa silang maganda ang kalalabasan ng isasagawang evaluation.