π—–π—’π— π— π—¨π—‘π—œπ—§π—¬ π——π—œπ—¦π—”π—¦π—§π—˜π—₯ π—₯π—˜π—¦π—œπ—Ÿπ—œπ—˜π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—§π—œπ—‘π—¨π—§π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘

Mas pinalalakas pa ang disaster preparedness ng mga komunidad sa lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng mga isinasagawang oryentasyon at pagsasanay sa mga residente.

Dinadala ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga bara-barangay sa probinsiya ang may kaugnayan sa paghahanda laban sa sakuna at sa mga oras ng emergency.

Saklaw ng isinasagawang pagsasanay ang search, rescue at retrieval operations, underwater knot tying, boat handling at life saving techniques.

Nauna nang dinala ang limang araw na pagsasanay sa bayan ng Bani at Binalonan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments