CAUAYAN CITY-Nagsagawa ng oryentasyon at workshop tungkol sa Comprehensive Program for Children, Families, and IPs in street situations (Compre Program) ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) nito lamang ika-23 hanggang ika-25 ng Abril, taong kasalukuyan sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.
Layunin ng naturang programa na mabawasan ang panganib na kinakaharap ng mga bata, pamilya, at IP’s sa mga street situations katulad ng child trafficking, child labor at child exploitation.
Nabigyan din ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa karapatan ng mga bumubuo ng IP’s community.
Lumahok sa naturang programa ang ahenysa ng Provincial at Municipal/City Social Welfare and Development Officers, at ang National Government Agencies.