𝗖𝗢𝗡𝗚𝗘𝗦𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗗𝗢𝗥𝗠𝗜𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝟯𝟯𝟮%

Nakitaan ngayon ng pagbaba ang congestion rate sa Dagupan City Jail Dormitory kung saan mula sa 376% sa unang kwarter ng taon ay nasa 332% na lamang ito sa ikalawang kwarter.

Isa ito sa mga pangunahing problema sa mga kulungan sa buong bansa kung kaya’t target ng Dagupan City Jail na mas pababain pa upang maiwasan ang hawaan ng sakit.

Tinutukan ng ahensya ang decongestion programs nito sa pamamagitan ng pagsusuri ng korte sa papeles ng mga PDL upang pahintulutan ang paglipat ng mga ito sa Bilibid.

Samantala, inaasahan ng pamunuan ng Dagupan City Jail na makamit nito ang pagiging drug-cleared facility dahil sa pagsunod sa pamantayan ng Dangerous Drugs Regulation Board.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments